ADBERTISYO

Martes, Pebrero 21, 2012

VILLAINS

Kumunot noo ko nang narinig ko yung balita tungkol sa pag-alma ng isang Pampanga Representative na itago na lang natin sa Pangalang Aurelio Gonzales Jr. (hehe). Ang sabi nya - iwasan na ng movie industry ang paglalarawan sa mga kongresista bilang kontrabida o crooks, o tiwali, o yung MAIITIM ANG SINGIT  BUDHI sa mga palabas at telibisyon.

Sa aking opinyon NAPAKAWALANG KWENTA yung resolusyon na inihain nya sa MTRCB. Eh ano ngayon kung kontrabida ang mga kongresista, mga mambabatas, mga politicians? Hindi naman pinapahiwatig nang mga obra na lahat ng mga nasa politics ay maiitim ang kili-kili budhi. Paano mo mailalarawan ng mabuti ang kwento kung may isang okupasyong di mo puwe-puwedeng gawing kontabida. Kahit na itigil i-portray na kontrabida ang mga kongresista hindi pa rin natin maiiwawaksi kung gaano kadumi at kagulo sa politika. Eh ano ngayon kung wala kang makitang kongresistang kontrabida sa penikula kung ang laman ng pahayagan at balita eh mga corrupt at tiwaling opisyal ng gobyerno. Sinong naloko mo? Lelang? eh kahit nga bata mulat na sa katotohanan. At isipin mo pa, kung matutupad yang Anti-Typecasting Bill - pati mga pulis patola, teacher na di nagtuturo, mga serial killer, Presidente na laging nasa ilalim ng mesa etcetera eh gugustuhing ding mabago ang imahe sa mga palabas.

Ano ba ang gusto nyang mangyari? Si Jesus gawing kontrabida? Si Noynoy kaya? Wag mong sabihing si Darna? si Kuya Kim?

Sineseryoso kasi - Siguro totoo.

"BATO BATO SA LANGIT, TAMAA'Y MAY ANGHIT"

AURELIO! KABADTRIP KA!

Lunes, Pebrero 20, 2012

TUESDAY MORNING!







Strike a pose! Taray
Bagong Gising
Alas-Onse na pala
TARAY!

Singil

Kagabi lang pagkasakay ko sa bus pauwi galing campus, tinekitan ako ng kundoktor

akala ko 15 pesos nakalagay sa ticket ko

ayun binayaran ko ng kinse

nagtaka yung kundoktor

tinanong ko kung magkano ba?

sabi nya 19 pesos daw

POWTEK! Studyante po ako

"A eh ganun ba? Sa susunod sabihin mong estudyante ka ha, kela ko tauhan ka ng MERCURY DRUGS"



BADTRIP!

Linggo, Pebrero 19, 2012

Guilty Feelings

     Nagpapawis kahit hindi mainit, tila butil ng bigas ng NFA ang pawis, malamig at malabnaw, nanlalamig ang mga kamay, magulo ang isipan, na dedepress, sa loob-loob mo hindi mo malaman kung ano ang gagawin. Darating ang panahong kelangan mong umamin! Oo! Shet! Truth shall set you free but you must face the consequences. Nag-iisip, nag-iisip isa, dalawa, tatlo nag-iisip ng paraan kung paano ii-execute ang lintik na confession. Punyemes! kasi yung digi-cam nasira ko ata, kaya heto nagiisip.

    Paano nga ba?

A. STRAIGHT FORWARD o STRAIGHT TO THE POINT THEORY

     Sabihin mo agad ng diretso. Walang paliguy-liguy. NO SIKANTOT! ( NO SECOND THOUGHT)

    Me: Ma, nasira ko yung ano... yung ano... yung cam po..
   
    Ma: Punyemes! Sinira mo yung kaisa-isahang digicam natin?! Alam mo ba kung magkano yun?! 4kiii yun             4kii      (bisaya) Ni piso nga wala kang mapulot!! Ano ba akala mo madali kumita ng 4kii!! Ibabawas ko yan sa  allowance mo!!

Outcome : Straight to the point ka din gigisahin sa sarili mong mantika at susunugin ang kaluluwa mo inside and out.

B. THE GREATER SHOCK EFFECT MUNA BAGO ANG LESSER SHOCK EFFECT THEORY

     Kelangan mong maka-isip nang pinaka-dabest na katarantaduhang pwedeng mag-exist, hindi lang sa balat  ng earth kundi sa infinite space of universe. At syempre pag may naisip ka na *yun yung una mong ibulalas bago mo sabihin ang katotohanan*

Me: (Palapit sa parents with matching simangot, lagyan mo ng kaemohan aura mo - yung pang mukhang byernes santo ganun)

Ma: Oh! Bat ganyan itsurahin mo? Me problema Ba?

Me: Eh kasi po ( Kunyari lunok ng laway with matsing head tilt down - yung tipong di ka makatitig sa mata nila.)

Ma: Kasi ano?

ME: Si ano po kasi....

Ma: Ano nga?! Punyemes..

Me: Si Jeniper po.. Yung Girlprend ko po... BUNTIS!! at ako ang AMA!!! (exag!)
       (Lagyan mo ng papa-iyak eyes w/ grumbling voice samahan mo na rin ng kunting pag-singhot para ma-  drama)

( WAIT POR BAYOLET BAYOLENT REAKSYONS)

Ma: P*tang Ina kang bata ka! Kabata-bata mo pa nakadisgrasya ka na! Eh hindi ka pa nga guradwiyt!! Sabi na wag munang mag-gigirlprind. Ano papakain mo sa girlprind mo?! DAMO ha? DAMO!!?? Punyemes! Muka lang yung kabayo pero TAO din yun! Naririnig mo ba ako! TAO!!! Ay PoWtek kA! Aalta presyohin ako sayo!!

Me: Joke. Joke. Joke. Nasira ko lang po yung CAM!

Outcome: It depends parin sa parents mo syempre..

C. SUICIDAL TOTS! OO PAKAMATAY KA NA..
    (DEATH IS CURE TO ALL ILLNESSESSSSSSS...)
   
Pakamatay ka na lang. Ibaon mo sa libingan kasama ang iyong problema. Sa iyong himlayan ay isama ang iyong napakadilim na kasalanan.

Outcome: Mananatiling misteryo ang pagkamatay mo!! Brineak daw ng GF, bumagsak sa exam, napatae sa public place, nabilaukan, nadulas, ETC. Ang di nila alam ay dahil lang pala iyon sa DIGI-CAM! but wait there's more!! Yung nakasira din ng CAM ay magiging misteryo din Oha! Oha! ANSOLBABOL MYSTERY!

Nasira!!

     T*ng Ina! Alam nyo ba yung mix emotions pag may nasira kang gamit - yung kabadtripang angerness + yung sorrowful sad emotions..
   
 Nasira kasi yung digi-cam namin ( OO namin! as in sa family!) kaya heto namromroblema, hindi alam ang gagawin. Sasabihin ko ba o just let them discover the horrorful sorrowful truth. Shet! baka pag nalaman ni erpat, baka sabihin nyang "Ibabawas ko yan sa baon mo" Ay p*ta kung ganun, padalhan nyo na ako ng crysanthemeum dahil magpapakamatay na ako (dahil lang sa digi cam exag!) Bukod na sa nasira pa ang digi-cam, mawawalan pa ako ng daily motivation para pumasok. POWTEK!

    Oh syete! I lab Putograpi! Kahit digi-cam lang gamit ko. Shoot dito - Shoot doon. Ngayong wala ka na mamimiss ko ang pagsasama natin. Ang walang humpay na pag capture ng dahon, nag-gagandahang landscape sa ibabaw ng building, ang talampas ni Jeniper, ang burol ni Bartolome, at ang Kweba ni Inday Garutay. Kasabay nang paglaho mo ay kasabay din ang paglaho ng baon ko (Isama mo na rin ang pagkawala ng Lambak ni Jeniper) So sad :( I will miss you all. *hikbi*

    Ay! Oo nga pala! Dahil sa may trip to subic kami nxt Monday - wala na akong gagamiting cam kaya P*tang Ina Talaga! Badtrip!

Sabado, Pebrero 18, 2012

T-SHIRT HUNTING




Wula lang. Hilig ko yung ganitong mga tees. May parang pagka-vintage what not ironic prints bla bla bla eklabush. Nabili ko sa Baclaran - 150 Pesos.

FIELD TRIP!

       O anong eksayment! Field Trip na naman daw kuno. Usap dito, usap doon. Pinagplaplanuhan na ang mga dadalhin.

"Magdala ka ng kanin ah!"

"Magdala ka ng maraming snacks ah!"

""Dala ka ng condom pre"

"Dala ako ng salbabida"

"Gago! Museum pupuntahan natin!"

Andyan na naman ang pag-iipon ng pera- pera may pangshopping daw kuno.

       Hindi mawawala ang eksaytment, yung malamig na pawis sabay may chilling epek sa spines na resulta nang seasonal insomia mo.  Hindi ko mawari kung bakit binabagabag ako ng lintik na fieldtrip na 'to - dahil ba sa unekspleynabol eksaytment o ayoko lang talagang maiwan ( yung horror na naisipan mong matulog at nagising ka nang alanganin!syet!)

      Oh camera! Siguradong hindi iiwan si camera ke kuno pang-capture ng "TOKEN OF MEMORIES" daw o trip mo lang magdala ng cam.

      Diatabs! Oo! In case of a grumbling state of emergency intestinal explosion radius 9999999 abot sa 999999km radius danger zone. Unforgettable ang mapatae - hindi lang sayo kundi sa entire human race na makakasaksi sa iyong napakalupit at nakakasindak na history. Essential ang diatabs. Kahit saan, kahit kelan laging kasama sa paglalakbay - sa ayaw ko maging contortionist na tahimik lang sa isang tabi habang pinagpapawisan sa loob ng airconditioned bus.

TIPS: Wag mong isipin ang kubeta tuwing natatae - dahil the more you think of the toilet, the more gustong kumawala ng ebs mo. Think of happy thoughts! Think of happy thoughts.