Kumunot noo ko nang narinig ko yung balita tungkol sa pag-alma ng isang Pampanga Representative na itago na lang natin sa Pangalang Aurelio Gonzales Jr. (hehe). Ang sabi nya - iwasan na ng movie industry ang paglalarawan sa mga kongresista bilang kontrabida o crooks, o tiwali, o yung MAIITIM ANG
SINGIT BUDHI sa mga palabas at telibisyon.
Sa aking opinyon NAPAKAWALANG KWENTA yung resolusyon na inihain nya sa MTRCB. Eh ano ngayon kung kontrabida ang mga kongresista, mga mambabatas, mga politicians? Hindi naman pinapahiwatig nang mga obra na lahat ng mga nasa politics ay maiitim ang
kili-kili budhi. Paano mo mailalarawan ng mabuti ang kwento kung may isang okupasyong di mo puwe-puwedeng gawing kontabida. Kahit na itigil i-portray na kontrabida ang mga kongresista hindi pa rin natin maiiwawaksi kung gaano kadumi at kagulo sa politika. Eh ano ngayon kung wala kang makitang kongresistang kontrabida sa penikula kung ang laman ng pahayagan at balita eh mga corrupt at tiwaling opisyal ng gobyerno. Sinong naloko mo? Lelang? eh kahit nga bata mulat na sa katotohanan. At isipin mo pa, kung matutupad yang Anti-Typecasting Bill - pati mga pulis patola, teacher na di nagtuturo, mga serial killer, Presidente na laging nasa ilalim ng mesa etcetera eh gugustuhing ding mabago ang imahe sa mga palabas.
Ano ba ang gusto nyang mangyari? Si Jesus gawing kontrabida? Si Noynoy kaya? Wag mong sabihing si Darna? si Kuya Kim?
Sineseryoso kasi - Siguro totoo.
"BATO BATO SA LANGIT, TAMAA'Y MAY ANGHIT"
AURELIO! KABADTRIP KA!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento