ADBERTISYO

Sabado, Pebrero 11, 2012

Sapatos Hunting

      Naglalakad ako sa palengke nang may nakita akong stall ng mga sapatos at dahil  adik ako sa mga classic sneakers, di ako nakatiis na sumilip. Pumasok ako nang may biglang bumulaga sa aking Ale ( siya din siguro ang may ari nang stall) - as usual tatanungin ka nang " anong hanap mo?". Sinagot ko siya ng sapatos, syempre mga sapatos lang naman ang laman nung stall. Tumingin tingin ako nang may nakita akong Vans, napaisip ako kung orig ba yun o imitation, tinanong ko kung magkano, 600 daw. Imitation nga - pero mukang tunay hehe. Tumingin ako ng iba - nagsukat sukat, nang biglang lumapit sa akin yung ale na may dalang mga box ng sapatos. Napakunot ang noo ko, tumitingin lang naman ako, akala niya siguro eh bibili ako (mukha kasi akong mayaman, mukha lang naman). As usual tiningnan ko, sinukat, at tinanong ko yung price. 600 na naman daw. Tas bigla akong tinanong ng ale kung magkano daw budget ko. Ang sabi ko hindi pa ako bibili nag-cacanvass pa lang ako. Napakunot yung noo ng ale sabay bulong ng "susmaryosep". Naasar ako nun, eh ayaw ko pang bumili eh. Umalis na lang ako sabay bigkas nang pudpod na linyang " Babalik na lang po ako".

       Meron pa akong experience sa saleslady sa SM Lucena. Tumitingin ako ng vest nun, nang may nakita na akong vest - as usual hahawakan mo, aamuyin mo, didilaan mo haha joke lang sa didilaan - makaraan ng ilang segundo, as usual may lumapit sa aking saleslady sabay bigkas nang linyang subok na nang panahon "Ano po yun sir? Ano pong hanap niyo?" sabi ko "vest" - kasi vest lang naman ang naandun at yun lang ang balak kong bilhin at wala nang iba. Sa kasamaan palad, hindi ko nagustuhan yung "vest" kaya ang sabi ko ay mag-iikot ikot muna ako. Napakunot yung noo ng saleslady pati yung labi niya kumunot din. Naisip niya siguro na hindi ako bibili. Ewan ba, naasar ako nun, naasaar ako sa mga salesladies na sumisimangot sa mga customers, sa tuwing nakikita ko silang sumisimangot - parang ayoko nang mamili.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento