Nagpapawis kahit hindi mainit, tila butil ng bigas ng NFA ang pawis, malamig at malabnaw, nanlalamig ang mga kamay, magulo ang isipan, na dedepress, sa loob-loob mo hindi mo malaman kung ano ang gagawin. Darating ang panahong kelangan mong umamin! Oo! Shet! Truth shall set you free but you must face the consequences. Nag-iisip, nag-iisip isa, dalawa, tatlo nag-iisip ng paraan kung paano ii-execute ang lintik na confession. Punyemes! kasi yung digi-cam nasira ko ata, kaya heto nagiisip.
Paano nga ba?
A. STRAIGHT FORWARD o STRAIGHT TO THE POINT THEORY
Sabihin mo agad ng diretso. Walang paliguy-liguy. NO SIKANTOT! ( NO SECOND THOUGHT)
Me: Ma, nasira ko yung ano... yung ano... yung cam po..
Ma: Punyemes! Sinira mo yung kaisa-isahang digicam natin?! Alam mo ba kung magkano yun?! 4kiii yun 4kii (bisaya) Ni piso nga wala kang mapulot!! Ano ba akala mo madali kumita ng 4kii!! Ibabawas ko yan sa allowance mo!!
Outcome : Straight to the point ka din gigisahin sa sarili mong mantika at susunugin ang kaluluwa mo inside and out.
B. THE GREATER SHOCK EFFECT MUNA BAGO ANG LESSER SHOCK EFFECT THEORY
Kelangan mong maka-isip nang pinaka-dabest na katarantaduhang pwedeng mag-exist, hindi lang sa balat ng earth kundi sa infinite space of universe. At syempre pag may naisip ka na *yun yung una mong ibulalas bago mo sabihin ang katotohanan*
Me: (Palapit sa parents with matching simangot, lagyan mo ng kaemohan aura mo - yung pang mukhang byernes santo ganun)
Ma: Oh! Bat ganyan itsurahin mo? Me problema Ba?
Me: Eh kasi po ( Kunyari lunok ng laway with matsing head tilt down - yung tipong di ka makatitig sa mata nila.)
Ma: Kasi ano?
ME: Si ano po kasi....
Ma: Ano nga?! Punyemes..
Me: Si Jeniper po.. Yung Girlprend ko po... BUNTIS!! at ako ang AMA!!! (exag!)
(Lagyan mo ng papa-iyak eyes w/ grumbling voice samahan mo na rin ng kunting pag-singhot para ma- drama)
( WAIT POR
BAYOLET BAYOLENT REAKSYONS)
Ma: P*tang Ina kang bata ka! Kabata-bata mo pa nakadisgrasya ka na! Eh hindi ka pa nga guradwiyt!! Sabi na wag munang mag-gigirlprind. Ano papakain mo sa girlprind mo?! DAMO ha? DAMO!!?? Punyemes! Muka lang yung kabayo pero TAO din yun! Naririnig mo ba ako! TAO!!! Ay PoWtek kA! Aalta presyohin ako sayo!!
Me: Joke. Joke. Joke. Nasira ko lang po yung CAM!
Outcome: It depends parin sa parents mo syempre..
C. SUICIDAL TOTS! OO PAKAMATAY KA NA..
(DEATH IS CURE TO ALL ILLNESSESSSSSSS...)
Pakamatay ka na lang. Ibaon mo sa libingan kasama ang iyong problema. Sa iyong himlayan ay isama ang iyong napakadilim na kasalanan.
Outcome: Mananatiling misteryo ang pagkamatay mo!! Brineak daw ng GF, bumagsak sa exam, napatae sa public place, nabilaukan, nadulas, ETC. Ang di nila alam ay dahil lang pala iyon sa DIGI-CAM! but wait there's more!! Yung nakasira din ng CAM ay magiging misteryo din Oha! Oha! ANSOLBABOL MYSTERY!