ADBERTISYO

Sabado, Pebrero 18, 2012

TOUR?!

       Field trip! Field trip na naman. Extra curricular activities upang biyayaan ka ng grades na malimit mong makuha para pumasa ka sa isang asignaturang hindi mo pinag-lalaanan ng atensyon at interes ( o sadyang kinulang ka lang sa iodized salt). Oh sintang paaralan. Field trip na naman, binasag ko na naman si Babes (piggy bank) na kulang pa sa pakain. Utang dito, utang doon mema gastos lang. Problema oh problema... Buti pa ang mga ipinanganak na may gintong sandok sa bunganga ( oo gintong sandok!) Ipon, ipon, purga na ako sa sabaw at tutong na kanin, kasalanan ko bang ipinanganak akong may mini plastik na kutsara sa aking bunganga na nakuha ko lang ke Manong Iscrambolero (dahil dyan na ceasarian nanay ko. how ironic?) Powtek! Iodized Salt! Bakit hindi ko inabutan campaign ni Fidel Ramos!

      "Ang hindi sumama ay gagawa ng gabundok na term at research papaer with a chance of unexemption sa final exam" - Prof.
   
    Parang bribery ang systema. May pera ka - papasa ka. Mahirap ka - pwes! Ilabas mo ang katas ng iyong paghihirap! Aral dito, Aral doon! Magpapakapagod sa isang minor subject na feeling major... As usual sa mga hindi makakasama - magisa ka na ngang mag-eexam (the horror! wala kang makokopyahan) hindi mo pa mararanasan ang inaasam asam na paglalakbay tungo sa (insert location here).

SANA  DI GANITO ANG SYSTEMA
AT SANA
IBALIK ANG IODIZE SALT CAMPAIGN!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento