O anong eksayment! Field Trip na naman daw kuno. Usap dito, usap doon. Pinagplaplanuhan na ang mga dadalhin.
"Magdala ka ng kanin ah!"
"Magdala ka ng maraming snacks ah!"
""Dala ka ng condom pre"
"Dala ako ng salbabida"
"Gago! Museum pupuntahan natin!"
Andyan na naman ang pag-iipon ng pera- pera may pangshopping daw kuno.
Hindi mawawala ang eksaytment, yung malamig na pawis sabay may chilling epek sa spines na resulta nang seasonal insomia mo. Hindi ko mawari kung bakit binabagabag ako ng lintik na fieldtrip na 'to - dahil ba sa unekspleynabol eksaytment o ayoko lang talagang maiwan ( yung horror na naisipan mong matulog at nagising ka nang alanganin!syet!)
Oh camera! Siguradong hindi iiwan si camera ke kuno pang-capture ng "TOKEN OF MEMORIES" daw o trip mo lang magdala ng cam.
Diatabs! Oo! In case of a grumbling state of emergency intestinal explosion radius 9999999 abot sa 999999km radius danger zone. Unforgettable ang mapatae - hindi lang sayo kundi sa entire human race na makakasaksi sa iyong napakalupit at nakakasindak na history. Essential ang diatabs. Kahit saan, kahit kelan laging kasama sa paglalakbay - sa ayaw ko maging contortionist na tahimik lang sa isang tabi habang pinagpapawisan sa loob ng airconditioned bus.
TIPS: Wag mong isipin ang kubeta tuwing natatae - dahil the more you think of the toilet, the more gustong kumawala ng ebs mo. Think of happy thoughts! Think of happy thoughts.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento